2 bomba sa tulay nasamsam

MANILA, Philippines - Dalawang pampasabog na sinasabing itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army sa tulay ang narekober ng tropa ng militar sa isinagawang ope­rasyon sa bisinidad ng Barangay Paco, sa bayan ng Paranas, Western Samar, ayon sa opisyal kahapon. Nai-detonate naman ang dalawang bomba ng mga tauhan ng Army’s 34th Infantry Battalion. May teorya ang regional spokesman ng Phil Army na target ng pampasabog ay ang mga tauhan ng Army Engineering na nagsasagawa ng school building construction sa Brgy. Jose Rono. Kaugnay nito, inalerto ang militar kaugnay sa posibleng pagtatangka ng mga rebelde na maghasik ng terorismo. Joy Cantos

Show comments