BULACAN , Philippines – Isa na naman truck na naglalaman ng 14,000 litro ng krudo na nagkakahalaga ng P.380 milyon ang iniulat na hinayjak ng mga armadong kalalakihang nagpakilalang pulis sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa.
Nakaligtas naman at inabando sa San Simon, Pampanga ang drayber ng truck (TMJ380) na si Leandro Landayan 37, ng Brgy. Maginao, San Rafael, Bulacan.
Base sa police report, lumilitaw na binabaybay ng trak ang expressway nang parahin ng sasakyang may blinker at sirena. Sa pag-aakalang mga pulis ay huminto naman ang trak ni Landayan kung saan naisagawa ang krimen ng apat na kalalakihan na nakauniporme pa ng pulis. (Boy Cruz)