BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot sa P.5 milyon ang tinangay ng mga maskaradong kalalakihan makaraang looban ang Treasurer’s Office sa bayan ng Amulong, Cagayan. Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi noong Martes nang pasukin ang nasabing opisina at tangayin ang cash na umaabot sa P500,000 at ilang mga mahahalagang dokumento. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa lima-katao ang nanloob sa nabanggit na opisina matapos sirain ang padlock ng pintuan. Napag-alaman walang guwardiya ang opisina dahil sa may ilang metro lamang ang layo mula sa himpilan ng pulisya. Victor Martin