MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na mister na sinasabing may sakit sa puso ang iniulat na nasawi sa pakikipagtalik sa isang mestisahing babae sa loob ng motel kamakalawa sa Sorsogon City, Sorsogon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Junie Belen ng Tabaco City, Albay habang ang nasabing babae ay nagpakilala lamang sa alyas “Baby Rose.” Napag-alamang bandang alas-9:30 ng gabi nang mag-check-in ang mag-lover sa lodging house sa Barangay Bibingcahan. Gayon pa man sa kainitan ng pagtatalik ng dalawa ay bigla na lamang nanikip ang paghinga ni Belen kaya nagmamadaling nagpasaklolo sa ilang staff ng motel. Nagresponde naman ang pulisya pero hindi na inabutang buhay ang biktimang nakahiga pa sa kama. Joy Cantos