P.5 milyon holdap sa bus company

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.5 milyong koleksyon ng mga pam­pasaherong bus ang tinangay ng mga armadong kalalakihan makaraang hol­da­pin ang opisina ng bus company sa Barangay Buhang, Jaro District sa Iloilo City noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Melvin Moncal, na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-9:30 ng gabi nang pasu­kin ang opisina ng Vallacar Bus Transit kung saan walang nagawa ang mga kawani  ka­bilang ang mga konduktor at driver dahil pawang mga armado ng malalakas na kalibre ng baril ang mga hol­daper.

Sa salaysay ng bisor ang bus company na si Analou Fernandez, nakasuot pa ng uniporme ng konduktor ang isa sa mga holdaper na pu­masok sa kanilang opisina habang ang iba ay nagsilbing lookout.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang panloloob kung saan ay nilimas ang kolek­syon na nagkataon namang katatapos lamang magbigay ang mga konduktor.

Napag-alamang hindi pa nakuntento ang mga holdaper ay tinangay din ang mga alahas at personal na kaga­mitan ng mga kawani.

Kabilang naman sa ang­gu­long sinisilip ng pulisya ay inside job dahil napaka-or­ganisado ng kilos ng mga hol­daper at sigurado ang kolek­syon sa mga konduktor ng kompanya. Joy Cantos

Show comments