Mister dinedo dahil sa utang

BULACAN , Philippines  – Pinaniniwalaang malaking halaga ng pagkakautang ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa ulo si Ernesto Mendoza Jr., 25, ng Sitio Pugpog, Barangay Partida, sa bayan ng Norzagaray. Base sa police report, papauwi na ang biktima nang lapitan at ratratin ng maskaradong lalaki.

Napag-alamang nasisante ang biktima na dating konductor sa dalawang kompanya ng bus kaugnay sa malaking halaga ng koleksyon na hindi nito naibigay. (Boy Cruz)

Show comments