Pulis, nakipagtalo, bugbog sarado

MANILA, Philippines - Kritikal ang pulis na si PO2 Pablo Tik-ing, miyembro ng 1003rd Provincial Police Mobile Group matapos na pagtu­lungan itong bugbugin ng mag-amang suspek na sina Eleazar Murtos, alyas Bamper, anak nitong si Kevin at isang ’di pa naki­kilalang lalaki dakong alas-7 ng gabi kamakalawa sa loob ng isang videoke bar sa Malaybalay City, Bukidnon. Nag­talo umano si Eleazar at ang biktima at ng mapikon ay agad na pinukpok ng bote ng alak ni Kevin ang biktima at ng ’di pa nakuntento ay hinataw pa nito ng kahoy sa ulo ang biktima. Agad na tumakas ang mga suspek ng dumating si Jesus Caontao, miyembro ng Civilian Volunteer Organization. Ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga suspek. (Joy Cantos)

Show comments