Bus vs van: 3 todas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Napaaga ang karit ni kamatayan sa tatlong miyembro ng Philippine Practical Shooting Association habang tat­long iba pa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang van at pampasahe­rong bus kahapon ng ma­daling-araw sa kaha­baan ng highway sa Ba­rangay Sinamar Sur, sa bayan ng San Ma­teo, Isa­bela.

Kabilang sa mga nasa­wi ay sina Olpiano Ta­bang­cura Jr., Kenneth Alvin Tu­lawan, at si Evilio Tula­wan na pawang residente ng Barangay Bassig St., Ugac Norte, Tuguegarao City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na na­unang nasagi ng Florida Bus Lines (NDF 398) ang sinusundang traysikel bago sumalpok sa kasalubong na Toyota Innova (RCS 796) ng tatlong nasawi.

Napag-alamang hindi napansin ng drayber ng bus ang sinusundang tray­sikel na flashlight lang ang ilaw kung kaya’t na­hagip pa rin ito nang iwa­san ng bus.

Sa lakas ng salpukan ng dalawang sasakyan, ay hindi agad nakuha ang bangkay ng tatlo na naki­lala lamang sa nakuhang mga identification card.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang tatlong sa­kay ng traysikel na unang na­hagip ng bus matapos magtamo ng mga sugat sa katawan. Victor Martin

Show comments