2 sabungero pinabulagta

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magkaibigang sabungero sa naganap na panibagong karahasan sa Ma­harlika Village, Matina, Talomo, Davao, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Dave Galde, 31, ng Maharlika Village; at Marvin Abraham,37, ng Matina Aplaya.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na magkasama ang dalawa na lumabas ng sa­bungan para kumain nang lapitan at ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan. Naniniwala ang awtoridad na may ki­nalaman sa sabong ang pananambang sa mga biktima. Ricky Tulipat

Show comments