29-anyos na lalaki itinumba ng pulis

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Pinaniniwalaang may kaugnayan sa bawal na droga kaya binaril at na­patay ang isang 29-anyos na lalaki ng isang alagad ng batas sa panibagong ka­rahasang na­ganap sa ba­yan ng Imus, Ca­vite kama­kalawa ng tanghali.

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Imus police, ang napatay na si Archie Timonera ng Barangay Pob­lacion 4, Imus.

Ayon sa police report, lumilitaw na nakikipag­ kwen­tuhan si Timonera sa kan­yang mga kaibigan nang la­pitan at pagba­barilin ng sus­pek na si PO2 Gilbert Ca­mac­lang na naka-assign sa Imus police station.

Sa panayam ng mga reporter kay P/Supt. Cruz, nag­sasagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa kinaroroonan ni Timonera na sinasabing pugad ng mga drug pusher at adik nang ma­ganap ang krimen bandang alas-12:30 ng tanghali

Naghihinanakit naman ang mga kaanak ni Timo­nera dahil sa pang-aabuso ng pulis-Imus kaya inilapit nila ang kaso sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa ma­susing imbestigasyon.

Bagamat naitakbo pa sa ospital si Timonera, subalit idineklara rin itong patay dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan. Arnell Ozaeta

Show comments