Nanay inutas ni tatay

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya napaslang ang isang 50-anyos na misis ng kanyang mister makaraang saksakin sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Old Sagay, Sagay City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa dibdib si Eugenia Cerilla, habang re­­has na bakal naman ang hi­nihimas ng suspek na si Viviano Cerilla.

Sa police report na na­karating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-9 ng gabi nang marinig ng ilang kapitbahay ang sigawan ng mag-asawa.

Ilang minuto ang naka­lipas ay nagsi­sigaw ang babae at humihingi ng tulong subalit inabutan ng mga kapitbahay ang du­guang katawan ng biktima. Joy Cantos

Show comments