18 taon hatol sa dating pangulo ng state college

MANILA, Philippines - Isang dating pangulo ng Jose Rizal Memorial State College sa Dapitan City na si Felipe Q. Ligan ang hina­tulan kahapon ng Sandi­gan­bayan ng 18 taong pagkabi­langgo matapos mapatuna­yang nagkasala ng katiwa­lian sa pagbili ng mga school supplies noong 1998.     

Ipinataw din ang kaha­lin­tulad na sentensya sa dala­wang miyembro ng bid­ding committee ng kole­hiyo na sina Efren G. Cag­babanua at Herminio R. Hamah.      

Ayon sa rekord ng korte, P59,765 ang nawala sa ka­ban ng bayan nang bumili sina Li­gan ng P70,450 hala­ga ng school supplies o school forms mula sa priba­ dong kontratis­tang si Ma­nuel Pap­ na ng MP En­ter­prise. Lu­mili­taw na P10,685 lang ang ak­tu­wal na presyo ng natu­rang materya­les. (Angie dela Cruz)

Show comments