16 tiklo sa illegal fishing

BULACAN, Philippines — Labing-anim na kalalakihan ang iniulat na inaresto ng mga awtoridad makaraang maaktuhan sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Malolos City, Bulacan kamakalawa. 

Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina Ernesto Beron, Artemio Salvacion, Alejandro Peraleja, Nestor Veron, Romulo Cataray, Reynaldo Sta.Cruz, Richie Dela Cruz, Dennis Dela Cruz, Elmer Flores, Mario Brutamante, Reydan Gutierrez, Ricardo Suñga, Joel Tubig, Roger Bonifacio, Masantol, Angelito Reyes, at si Rafael Buenseceso.

Narekober sa mga suspek ang ilang piraso ng malalaking lambat, mahahabang kawayan na humahatak sa sudsod at 20 malalaking sisidlan ng iba’t ibang uri ng maliliit na isda. Kinumpiska rin ang apat na bangkang de motor. Boy Cruz

Show comments