MANILA, Philippines - Halos magutay ang buong katawan ng isang 62-anyos na Kano matapos pagtulungang saksakin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na nanloob sa tahanan nito sa Sitio Camansi sa Barangay Gun-ob, Lapu-lapu City, Cebu, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Senior Supt. Mariano Natuel, posibleng nanlaban si George Harold Bujnowski ng Massachusetts, USA, sa mga kawatan kaya siya tinuluyan.
Nabatid na nag-shopping sa mall ang asawang Pinay ng biktima at nang umuwi ay bumungad ang duguang katawan ng mister.
Nadiskubre rin ng mga awtoridad na nawawala ang P.3 milyong cash ng biktima na nakalagay sa kabinet nito. Joy Cantos