Bata nilamon ng apoy

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang batang lalaki makaraan makulong ng apoy sa nasusunog nilang tahanan sa Sitio Kagudoy, Brgy. Basak, Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa.

Sa phone interview, kinilala ng hepe ng pulisya sa Lapu-Lapu City na si P/Senior Supt. Mariano Natuel, ang biktima na si John Chris Baylon. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, iniwan ng magka-live-in na sina Joan Lanoy at Salvador Baylon, ang kanilang anak sa kuna para mag-igib ng tubig at bumili ng pagkain sa tindahan.

Gayon pa man, nang bumalik ang magka-live-in ay nilalamon na ng apoy ang buong ka­bahayan kung saan natusta ang kanilang anak.

Umabot naman sa 10 kabahayan ang naabo dahil sa sunog na umabot sa ikatlong alarma. May teorya ang pulisya na nag-overheat ang iniwang electric fan na pinagmulan ng sunog. (Joy Cantos)

Show comments