Abu kidnaper arestado

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang itinu­turong isa sa dumukot sa mag-asawang US missionary na sina Martin at Gracia Burnham sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 2001 sa isinagawang ope­rasyon sa Cotabato City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng regional police office na nakarating sa Camp Crame, sumasailalim na sa tactical interrogation ang nasakoteng Abu Sayyaf kidnaper na si Hajer Sailani alyas Marvin Alvarez na may patong sa ulong P.350 milyon.

Si Alvarez ay nadakma ng pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Unit 15 sa pakikipagko­ordinas­yon sa Task Force 12 A sa ikatlong palapag ng South­seas Mall may dalawang araw na ang nakalipas ma­tapos magpa­labas ng warrant of arrest si Judge Danilo Bucoy ng Regional Trial Court Branch 2, 9th Judicial Region kaugnay ng kasong kidnapping at serious illegal detention. (Joy Cantos)

Show comments