Jeepney nag-dive sa bangin: 4 patay

MANILA, Philippines - Isa na namang trahedya ang naganap noong Mar­tes ng gabi kung saan apat-katao ang iniulat na nasawi habang limang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong jeepney sa may 200 talampakang lalim na bangin sa Ba­rangay Tinongdan sa ba­yan ng Itogon, Benguet.

Kabilang sa mga nasawi ay ang mag-asawang sina Seferino, 81 at Sarah Go­lingab, 78; Emiliano To­mino, 50, at Virginia To­­mino, 49, na pawang na­katira sa Ba­rangay Da­lupirip sa bayan ng Itogon, Benguet.

Ginagamot naman sa Baguio City General Hospital and Medical Center sina Emiliano Esnara, 56; Bernard Cunanan, 17; Re­medios Depayso, Dolores Galunza at ang driver na si Leonardo Saley, 27, na pawang residente ng Pob­lacion, Itogon.

Ayon sa ulat ni P/Senior Supt. Danilo Pelisco, bina­bagtas ng jeepney (AYE 667) ang kahabaan ng kalsada mula sa Baguio City kung saan nakipag­lamay ang mga biktima sa kamag-anak na yumao.

Sa pahayag ng mga nakaligtas, na masyadong madulas ang daan habang nababalutan din ng hamog ang paligid bunga ng pag-ulan kung saan nawalan ng kontrol ang driver sa ma­nibela kaya nagtuluy-tuloy sa bangin.

Ito ang kauna-unahang trahedya na naganap sa bayan ng Itogon habang patuloy naman ang imbes­tigasyon ng pulisya. (Joy Cantos at Artemio Dumlao)

Show comments