3 grabe sa dynamite blast

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang tatlong magkakamag-anak makaraang sumabog ang ginagawang dinamita sa loob ng kanilang tahanan kamakalawa ng hapon sa Barangay Pajo sa bayan ng Balud, Masbate.

Kasalu­kuyang ginagamot sa Masbate Porvincial Hospital sina Christopher De Asis, 29; Rosemarie De Asis, 24; at si Lyn De Asis, 22.

Base sa police report, lumilitaw na abala ang tatlo sa paggawa ng pampasabog na gagamitin sa pangingisda nang aksidenteng masindihan ng sigarilyo ang isa sa bomba kaya naganap ang pagsabog. (Ed Casulla)


Show comments