Intelligence officer nilikida

MANILA, Philippines - Isang intelligence officer ng pulisya ang iniulat na napaslang makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang miyembro ng notoryus na carnapping gang sa Crossing Hilamunan, Kabankalan City, Negros Occidental kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. Calixto Mabugat, idineklarang patay sa Lorenzo Zayco Hospital si SPO1 Hernani Diwatin.

Sa pa­ha­­­yag ng mga testigo, nagtungo sa lugar ang bik­ti­ma upang iberipika ang nangyaring carnapping da­kong alas-2 ng madaling-araw subalit hindi aka­laing sasalubong si kamatayan.

Narekober naman ng pulisya ang mo­torsiklo at backpack na sina­sabing pag-aari ng mga suspek. (Joy Cantos)

Show comments