2 pulis sugatan sa MILF

KIDAPAWAN CITY , Philippines   — Dalawang pulis ang iniulat na nasugatan makaraang atakihin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang outpost ng pulisya sa bayan ng Matalam sa Barangay West Patadon, North Cotabato, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP, ang mga sugatan na si SPO2 Rolando Guardados, detachment commander ng Community Police Action Center (Compac) ng Matalam PNP, at SPO1 Jesus Fajardo.

Sa paa at likurang bahagi ng katawan ang tama ni SPO1 Fajardo, samantalang sa may kamay at paa naman si SPO1 Guardados. (Malu Cadelina Manar)


Show comments