3 bata dedo sa karne ng pawikan

SOLANO, Nueva Viz­caya, Philippines – Napaaga ang salu­bong ni kamatayan sa tat­long bata habang aabot na­man sa 200 iba pa ang isi­nugod sa ospital makaraang malason ng karne ng pa­wi­kan kamakalawa ng umaga sa isla bayan ng Calayan, Ca­gayan.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Angel “Jane” Dela Cruz, 2, ang mag-utol na M.J. Fernando, 6; at Melody Fernando, 10.

Sa pahayag ni P/Chief Supt. Roberto Damian, na unang isinugod sa ospital ang 150 residente mula sa Sitio Simabang, Fuga Island, Calayan, Cagayan ma­tapos makaranas ng pang­hihina at pagkahilo dahil sa kinaing karne ng pawikan.

Kasunod nito, ay isinakay din sa bangkang de motor ang ilan pang residente ng nasabing isla na kumain din at naglinis sa lugar na pinag­katayan ng pawikan.

Inihayag ng Cagayan provincial health na ito ang kauna-unahang kaso ng food poisoning dahil sa pagkain ng karne ng pawi­kan.

Sinimulang isailalim sa pagsusuri ng mga awtori­dad na kabilang sa binuong Task Force Pawikan  ang mga ki­nu­hang samples ng karne ng pawikan  sa Fuga Island, Aparri, Cagayan matapos mapaulat na  tatlong bata  ang namatay sa pagkain ng karne nito habang aabot naman sa 200  ang patuloy na ginagamot sa mga ospital sa bayan ng Agra at Layos.

Aminado naman si Dr. Jovitra Ayson, director ng BFAR Region 2, na hirap pa sila na tukuyin ang naging sanhi ng pagkalason ng mga bata dahil ito ang kauna-una­hang insidente na may nala­ son sa karne ng pawi­kan.

Sa deskripsyon ng mga residente, may sungay  ang pa­wikang kinatay at sinasa­bing may taglay na tracking device na may nakasulat na Chinese character  ang ka­tawan ng sea turtle.

Sinasabing napadpad sa baybaying dagat ng Sitio Sima­ bang sa Fuga Island ang malaking pawikan noong Huwebes na pinagtu­lungang katayin ng mga residente, ipinamahagi sa iba pang mga kapitbahay  at nagkani-kani­yang luto ang mga ito. Dagdag ulat ni Angie Dela Cruz

Show comments