Negosyante kinatay

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City , Philippines    – Brutal na kama­tayan ang sinapit ng isang negosyanteng lalaki makaraang pagtulungang saksakin at pagtatagain ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan sa harapan mismo ng kanyang mga kawani ka­ma­ka­lawa ng gabi sa Barangay Maolingan sa bayan ng Man­daon, Masbate. Halos magkagutay-gutay ang katawan ni Godofredo Ramizo, 59, may asawa, ng Sitio Toos ng na­banggit na barangay. Dalawa sa limang suspek na sina­sabing positibong namukhaan ng mga testigo ay nakilalang sina Joel “Jojo” Mesa at Jose Azuero, alyas Katorse Sientos. Napag-alamang nakikipagpulong ang biktima sa kanyang mga trabahador sa Gemelina plantation nang lapitan at pagtulungang paslangin. Ed Casulla


Show comments