NUEVA ECIJA , Philippines – Dahil sa pinag-awayang paradahan ng traysikel nagawang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang nakakabatang utol ng kanyang matandang kapatid na lalaki sa Barangay Aplaya, Dingalan, Aurora noong Huwebes. Napuruhan sa tiyan ng patalim ang traysikel drayber na si Roger “Karag” Roxas, 26, habang ang itinuturong suspek ay ang kapatid na karpintero na si Ramil Roxas, 38. Napag-alamang sinita ng biktima ang panganay na si Ramil sa paglalagay ng bakod sa tapat ng bahay nito na ginagawang paradahan ng traysikel. Nauwi sa matinding komprontasyon ang pagbabakod na umawat pa ang kani-kanilang kasambahay hanggang sa maganap ang pamamaslang. Christian Ryan Sta Ana