Magsasaka binoga

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagbabaril hanggang mamatay ang isang magsasaka ng kapwa magsasaka nito dahil sa awayan sa lupa kamaka­lawa ng hapon sa Cata­ingan, Masbate. Ang bikti­mang si Diosdado Ramirez, 60, residente ng Sitio Salag, Barangay Pawican ng na­sabing probinsiya ay na­matay habang ginagamot sa ospital habang ang suspek na si Wilfredo Catarin, 50, ay mabilis naman na tumakas. (Ed Casulla)

Tanod sabit

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Naharap sa kasong iligal na pagbebenta at paggawa ng baril ang isang ba­rangay tanod sa Koro­­nadal City kamakalawa. Ang sus­pek na si Abner Mar­del­losa, 33, ng Barangay San Roque, Koronadal City ay nakuhanan ng mahigit 20 piraso ng paltik at mga ga­mit sa paggawa nito kung saan huli din ito sa aktong gumagawa ng na­turang armas sa isina­gawang raid sa bahay nito noong Miyer­kules. (Malu Manar)

4 na pusher nadakip

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Apat na umano’y drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Cotabato City. Ang mga suspek ay nakilalang sina Norodin Sangki, misis na si Farida Pagayao; Jeffrey Silongan, at Haron Kamsa, pawang taga-Cotabato City at nadakip sa SK Pendatun Ext., Brgy Poblacion 2, Cotabato City. Nakuha mula sa mga suspek ang 10 sachet ng shabu. Nakakulong ang mga suspek sa Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM sa PC Hill at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Malu Cadelina Manar)

Show comments