Bus vs jeep: 2 katao todas

ZAMBALES, Philippines – Maagang kinarit ni kamatayan ang dalawang sibilyan habang siyam iba pa ang nasugatan makaraang salpu­kin ng mini-bus ng Korean-owned Hanjin Heavy Industries Const Co. ang likurang bahagi ng jeep kahapon sa Sitio Nagyantok bayan ng Subic, Zambales.

Ang dalawa na kapwa naipit sa pagkakasal­pok ng bus ay sina Edgar Assuncion ng Barangay San Marcelino at Melva Carrion ng Castillejos, Zambales. Kinumpirma ni Taek Kyun Yoo, general manager ng Han­jin, na nananatili sa ospital ang kanilang mga sugatang kawani.

Sa ulat ng chief operating officer ng Zambales Transport Cooperative Inc. na si Efren Juan, lumilitaw na magkasunod na buma­bagtas sa nabanggit na kalsada ang dalawang sasakyan nang biglang huminto ang jeep upang iwasan ang mga tumatawid kung saan hindi nakuhang ilihis ng drayber ng mini-bus (AVM 235) kaya nagtuluy-tuloy na sumalpok sa likurang bahagi ng jeep. (Alex Galang)

Show comments