CAVITE , Philippines – Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang 18-anyos na estudyante makaraang mabundol ng pampasaherong jeepney sa Aguinaldo Highway sa Barangay San Agustin, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon. Nabasag ang bao ng ulo ni Maria Kimberly Torreda ng Camia Road, Barangay Bangcal, Carmona, Cavite. Tumakas naman ang drayber ng jeepney na may plakang DWW 877 na nakarehistro sa pangalan ni Henry Silvania ng Barangay Sicat, Alfonso, Cavite. Cristina Timbang