Ex-convict balik-selda

BULACAN , Philippines   – Balik-kulu­ngan ang isang ex-convict na sina­sabing sangkot sa pag­kidnap with rape sa dating aktres makaraang irek­lamo ng kanyang sari­ling asawa sa pang­hahalay ng anak na dalagita sa bayan ng Pulilan, Bulacan.

Kinilala ni SPO4 Letlet De Guzman, ang ex-convict na si Roberto Untalan y Camo, 57, traysikel dray­ber, tubong Ligao, Albay at residente ng Brgy. Tenejero, Pulilan. 

Sa police report, naganap ang unang pang­hahalay sa biktima noong Hulyo 2009 at ang pinakahuli at noong Agosto 6,2009. Nadiskubre ang krimen ma­tapos magreklamo ang bikti­ma sa kanyang ina. (Boy Cruz)


Show comments