4 na BAP referee, 1 pa, todas sa car accident

MANILA, Philippines - Apat na referee ng Basketball Association of the Philippines at isa pa ang namatay matapos sumal­pok ang kanilang sasakyan sa isang nakaparadang truck sa Butuan City, Agu­san del Norte kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa os­pital ang mga biktimang sina Rodulfo Durado, Edil­berto Lagnada, Rolando Altar at Allan Hinayon ha­bang inaalam pa ang pag­kakakilanlan sa kanilang nasawing driver.

Sinabi ng pulisya na sumalpok ang mitsubishi pick-up ng mga biktima sa nakaparadang mitsubishi elf nang masiraan ito sa P4 highway, Barangay An­tonga­lon, Butuan City. (Joy Cantos)


Show comments