9 evacuees sugatan sa mortar

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Siyam na katao ang sugatan nang bumagsak sa tinutulu­yan nilang evacuation site sa may Barangay Macasendeg, boundary ng bayan ng Pikit sa North Cotabato at Datu Piang sa Maguindanao ang isang mortar kamakalawa ng hapon.          

Sinabi ni Pikit Police Chief Insp. Elias Dandan na hini­hinala nila na ang bumagsak na mortar ay mula sa dala­wang naglalabang pamilya sa Datu Piang.          

At dahil ang Barangay Ma­casendeg ay nasa hangga­nan ng Datu Piang at Pikit, po­sibleng nag-overshoot ang mortar at bumagsak sa Du­langin Abit Elementary School sa Barangay Macasendeg na nagsisilbing evacuation site ng daan-daang mga internally-displaced persons o IDPs mula sa Maguindanao. (Malu Cadelina Manar)

Show comments