1 pang kapitan itinumba

Batangas, Philippines – Matapos mapatay ang isang ba­rangay captain sa Lemery rito, isa pang barangay captain ang isi­nunod ni kamatayan ma­tapos pag­babarilin ng hindi pa naki­kilalang mga suspek sa Nasugbu ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Nasugbu Police Chief Superintendent Antonio Malabanan ang bikti­mang si Alberto Roga­dor Jr., 59, kapitan ng Ba­rangay Tumalim sa Nasug­bu.

Nakasakay umano si Ro­ga­dor sa kanyang Mitsu­bishi Pajero at nag-aantay sa isa niyang kaibigan sa may R. Martinez St., Ba­rangay 12 nang lapitan ng dalawang suspek at pag­babarilin nang ilang beses.

Namatay si Rogador ha­bang isinusugod sa Apa­cible Memorial Hospital dahil sa mga tinamong mga tama ng bala ng .38 re­volver sa dibdib at muk­ha.

Nauna rito, napatay si Julian Bathan, 56, chairman ng Barangay Maigsing Da­hi­lig sa Lemery habang sakay ng kanyang mobile patrol vehicle at tamba­ngan ng mga suspek sa may Ba­rangay Matinggain Uno ban­dang alas-8:30 ng umaga. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

Show comments