Reporter utas sa car crash

MANILA, Philippines - Isang reporter na sinasabing naging Media Relations  Officer ni Senador Panfilo Lacson ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok ang minamaneho nitong kotse  sa konkretong pader noong Lunes ng madaling-araw sa bayan ng Bacoor, Cavite.

Sa naantalang ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Ariel Digma, 36, dating reporter ng Malaya at Manila Times kung saan ngayon ay nasa Kyodo News Agency ng Japan.

Pauwi na ang biktima sa Kawit, Cavite nang makasalubong si kamatayan sa kahabaan ng highway ng bayan ng Bacoor. Si Digma ay naging staff din ni dating Senador Marcelo Fernan at Secretary Angelito Banayo at naging media consultant din ng Philippine Tourism Authority. Joy Cantos

Show comments