Bumbay na trader inutas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang negosyanteng Bumbay na sinasabing naniningil ng pautang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng motorcycle-riding assassin kahapon ng umaga sa bisinidad ng Brgy. Ubaliw, sa bayan ng Oas, Albay.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Nachatar Singh ng Sunrise Subd. Legazpi City.

Ayon sa police report, lumilitaw na nakaupo ang biktima sa loob ng kotseng (FGB 379) nakaparada sa harapan ng bahay ni Sonia Corpuz nang lapitan at ratratin. Nakatakas naman ang gunmen patungo sa direksyon ng Brgy. Ilaor Sur. Ed Casulla

Show comments