BULACAN , Philippines — Limang kawani ng gasolinahan na sinasabing nagnanakaw ng krudo at gasoline ang nadakip ng pulisya kahapon ng umaga sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Eduardo Romero, 35, Alvin Romero, 30, Aries Valentin, 30, ng Brgy.Taal; Ricardo De Jesus, 24, ng Brgy. Tambubong; at si Nelson Marcos, 42, ng Brgy.San Vicente. Ang mga suspek at ipinaaresto ng may-ari ng Petron Gas Station na si Joselito Concepcion sa Mac Arthur Highway. Nadiskubre ang krimen matapos mag-audit ang may-ari kung saan hindi umuugma ang mga resibo sa record ng kanilang opisina. Nagreklamo rin ang mga customer sa may-ari ng gasolinahan kaya kinompronta nito ang mga suspek hanggang sa madiskubre ang pagnanakaw. Boy Cruz