Magkapatid kulong sa pagpatay sa pulis

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tuluyan nang ikinulong at kinasuhan ang magkapatid na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang tinyente ng pulisya noong Miyerkules sa So­lano, Nueva Vizcaya.    

Kahapon, pormal nang inihain ang kasong murder sa korte laban sa magka­patid na Julius at Ronald Retonda na naakusahang tumaga at nakapatay kay Inspector Anselmo Dulin, 50, dating hepe ng Maconacon Police sa Isabela bago naging hepe ng intelligence section ng pulisya sa bayang ito.   

Kamakalawa ng umaga nang dalhin sa himpilan ng pulisya ni Chairman Floro Velasco ng Barangay Bas­caran si Ronald Retonda na sumuko sa kanya matapos tumakas nang mapaslang ang biktima.  

Sa kasalukuyan ay mag­kasama ang magkapatid na nakapiit ngayon sa Solano Bureau of Jail Management and Penology matapos sam­pahan ng kaukulang kaso. (Victor Martin)

Show comments