Negosyante kinidnap sa Marawi

MANILA, Philippines - Dinukot ng tatlong ar­madong lalaki ang isang negosyante sa Barangay Marinaut, Marawi City ka­makalawa.

Kinilala ang biktima na si Omar Aman Alomin, 36 an­yos, residente ng nasa­bing lugar.

Batay sa report ng La­nao del Sur Provincial Police Office, dinukot ang bik­tima sa bisinidad ng taha­nan nito sa Ba­ rangay Ma­rinaut, ban­dang alas-4:00 ng mada­ling araw.

Patungo ang biktima sa Abubacar Mosque sa Ba­rangay West Marinaut upang isagawa ang Suboh o dasal nang bigla na la­mang sumulpot ang mga ar­madong kidnapper.

Walang nagawa ang biktima matapos itong tu­tukan ng baril at kaladkarin ng mga kidnapper pasa­kay sa kanilang behikulo. (Joy Cantos)

Show comments