Maglola nalibing sa landslide

RIZAL, Philippines – Isang maglola ang namatay nang mata­bunan ng lupa ang kani­lang bahay sa Barangay San Isidro, Antipolo City na bunsod ng pagguho ng isang bahagi ng bundok dito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng mga awto­ridad ang mga biktima na sina Conchita Rosimo, 68 anyos, at apo niyang si Edra­line, apat na taong-gu­lang, kapwa residente ng Block 29, Lot 9 Sitio Tang­law, Barangay San Isidro.

Sugatan din sa insi­dente ang ina ni Edraline na si Rose, 26 anyos.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na, mahimbing na natutulog ang mga biktima nang gumuho ang isang bahagi ng bundok bunsod ng malakas na pag-ulan sa kanilang lugar hanggang sa matabunan ng lupa ang kanilang bahay.

Nagawa namang mai­ahon agad ng mga kaanak at kapitbahay si Rose kaya nailigtas ito habang wala nang buhay nang mahukay ang bangkay ng maglola.

Inilikas naman ng lokal na pamahalaan ang ilan pang mga residente na naninira­ han sa gilid ng bundok sa naturang sitio dahil sa pa­ngambang ma­ulit ang pag­guho ng lupa na nagiging malambot kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan.

Nangako naman si Anti­polo Acting Mayor Rolando Leyble na bibigyan ng tu­long pinansyal ang pamilya Rosimo habang inalerto na ang kanilang mga tauhan sa posibleng iba pang pag­guho ng lupa sa iba pang “danger zone” ilang lugar ng lungsod.

Show comments