Foreman inutas sa inuman

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Isang 64-anyos na foreman sa construction firm na sinasabing nakikipag-inuman sa kanyang mga trabahador ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ng kan­yang trabahador dahil sa mainitang pagtatalo kaugnay sa kani­lang trabaho kahapon sa Barangay Mua-an sa Kidapawan City, North Cotabato. Kinilala ni P/Insp. Benjamin Mauricio, hepe ng anti-vice and investigation division, ang nasawi na si Ro­berto Montano Igaran ng Libungan Construction Co., habang malubhang nasugatan si Aquilino Norosa, 63, driver ng nasa­bing kompanya. Naaresto naman ang suspek na si Rufu Villa­rubia ng Brgy. Malingin, Libungan. Malu Manar

Show comments