LAOAG CITY , Philippines – Dalawang drayber ang iniulat na nasawi makaraang magsalpukan ang kanilang traysikel kamakalawa sa kahabaan ng highway ng Brgy. Victoria, sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina si Mark Anthony de Luna ng Barangay Pias Sur; at Bernard Bunagan ng Bugayong, Currimao. May posibilidad na ang isa sa drayber ay nakaidlip o kaya lango sa alak kaya naganap ang trahedya. Myds Supnad