17 mag-aaral nadale ng H1N1

NUEVA ECIJA , Philippines   – Umaabot sa labimpitong estudyante mula sa dalawang pampublikong paaralan ang nagpositibo sa Influenza AH1N1 virus. Sa ulat ng Provincial Health Office, lima sa nagpositibo sa virus ay mula sa Central Lu­zon State University, habang ang 12 estudyante ay nag­mula sa Pantabangan National High School. Nabatid kay Nora Magno, chief nurse ng CLSU Hospital, aabot na sa 1,151 pasyente ang nilagnat simula noong Hulyo 1 hang­gang Hunyo 23. Samantala, tuloy ang klase sa CLSU sa gitna ng paglilinis na isinagawa ng mga guro habang pan­samantalang sinuspinde ang klase sa Pantabangan National High School kung saan umabot sa 51 estudyante ang nilag­nat. Christian Ryan Sta. Ana


Show comments