Pamilya minasaker ng Abu Sayyaf

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos na bistayin ng bala ng mga nakamotor­siklong armadong kalala­kihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Say­yaf nitong Huwebes sa Ung­kaya Pukan, Basilan kama­ka­lawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Ajari Jannali Sali; asawa nitong si Nasri Sali; at anak nilang si Junaid Sali, isang taong gulang. Pawang residente ng Al-Barka, Ba­silan ang mga biktima.

Batay sa report ng Ba­silan Provincial Police Office na ipinarating kay Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa, naganap ang pananambang sa mga biktima sa bisinidad ng highway ng Cabangalan, Ungkaya Pukan.

Lulan ng motorsiklo ang mag-anak nang bigla silang pagbabarilin ng mga bandi­do pagdating nila sa natu­rang lugar.

Show comments