Mag-asawa binoga sa FX

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines – Pinaniniwalaang may ma­tinding atraso kaya tinambangan at napatay ang isang 60-anyos na mister ng motorcycle-riding assassin kama­kalawa ng gabi sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal. Hindi na umabot ng buhay sa Amang Rodriguez Me­dical Center sa Marikina City si Armando Pangilinan ng Sitio Manalite, Brgy. Mayamot, Antipolo City habang suga­tan naman ang misis nitong si Olivia, 58. Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, lulan ng FX taxi (CCJ-191) ang mag-asawa nang dikitan ng naka-motorsiklong gunman. Nang huminto ang FX, dito bumaba ang kaangkas sa motorsiklo at lumapit sa bin­tana na inuupuan ng mag-asawa. Dito pinaputukan ng suspek si Armando sa ulo kung saan tumagos ang bala at tumama pa sa kaliwang tuhod ng asawang si Olivia. Danilo Garcia

Show comments