MANILA, Philippines - Tatlong hindi pa nakila lang mga armadong hinihinalang miyembro ng robbery/holdup gang ang napaslang matapos na makasagupa ang pulisya sa Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Chief Supt. Leon Nilo dela Cruz, director ng Police Regional Office 3, na ang tatlong suspek ay hini hinalang nasa likod ng nakawan sa TARELCO Office sa Sto. Rosario, Zaragosa, Nueva Ecija.
Bandang alas-11:30 ng gabi kamakalawa nang ma harang ng mga awtoridad ang mga suspek sa Barangay San tiago, Aliaga ng nasabing lalawigan na nagresulta sa putukan ng magkabilang panig. (Joy Cantos)