Karnaper napatay sa checkpoint

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Isang hinihinalang 30-anyos na karnaper na si Datu Uttoh Ampatuan ang napatay nang tangkain niyang makipagbarilan sa mga sundalong nagbabantay sa highway ng Pikit, North Cotabato kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit Police, nagtangka si Ampatuan na barilin ang mga sundalo na nasa highway sa Barangay Fort Pikit.

Sakay si Ampatuan ng isang motorsiklo na walang plaka.

Kasama niya sa motorsiklo ang isang ‘di kilalang lalaki na nasugatan din sa barilan.

Nang sitahin kasi ang dalawa sa checkpoint, tinangka ni Ampatuan na barilin ang mga sundalo pero naunahan siya ng mga ito. (Malu Manar)

Show comments