VILLASIS, Pangasinan, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na nasawi samantalang dalawang iba pa ang nasugatan, makaraang pagbabarilin ng mga di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng umaga sa Barangay Barangobong, sa bayan ng Villasis, Pangasinan. Kinilala ni P/Chief Insp. Jeff Fanged, hepe ng Villasis PNP, ang mga nasawing sina Ferdinand Celis, 42 at Nora Celis, samantalang sugatan naman sina Rolando Celis, 57; at Daniel Celis, 5. Base sa police report, lumilitaw na lulan ng sasakyan ang mga biktima patungong korte para dumalo sa pagdinig ng kaso nang harangin at ratratin ng armadong grupo na sakay ng L300 van. Nakaligtas naman ang drayber na si Richard Celis. Cesar Ramirez