Killer ng mag-syota arestado

BULACAN, Philippines   – Itinuturing ng lutas na ang kaso ng pag­­patay sa magkasinta­han na natagpuan sa pa­tubig sa Barangay Cut-cot sa bayan ng Pulilan, Bu­lacan makara­ang maaresto ng pulisya ang isa sa dala­wang pangunahing sus­pek kama­kalawa.

Sumasailalim na sa im­bestigasyon ang suspek na si Ryan Navidad y Baguio, 24, ng Brgy. Tarcan, Bali­wag, Bulacan.

Ang suspek ay positi­bong itinuro sa mga awtori­dad ng pangunahing testigo at live-in partner nito na si Vanessa Flores, 36, gardener.

Sa ulat ng pulisya, lumi­litaw na namataan ang mga bangkay ng magkasinta­hang sina Mark Jay Pala­meñano 19, ng Sitio Du­mayat; at Prin­cess Valdez, 15, ng Brgy. Little Baguio, Baliwag kung saan kapwa may sugat sa likurang ba­hagi ng kanilang ulo.

Lumilitaw sa pagsusuri, ang babae ay hinalay muna bago pinaslang ng suspek.

Sa salaysay ni Vanessa sa pulisya, magkakasama silang nag-inuman ng alak nina Liezel Blesta, Princess Val­dez, Mark Jay Falame­ñano nang dumating na­man ang mga suspek na sina Ryan Navidad at Jomer Cortez y Cleofe 25.

Ayon pa sa ulat, ilang oras ang nakalipas ay nag­paalam na ang magkasin­tahan para umuwi ngunit sinundan pala sila ng mga suspek at isina­gawa ang krimen.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay sinundan pala sila ni Vanessa at na­kita ang buong pangya­yari.

Tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Jomer Cortez. Boy Cruz


Show comments