Sundalo, Cafgu pinabulagta

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang sundalo ng Army’s 2nd Infantry Battalion sa Brgy. Tula-Tula sa Ligao City, ang iniulat na napaslang matapos pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa loob ng bar sa Brgy. 16 sa Legazpi City, Albay kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Pfc Jaime Lactao na niratrat sa Ninong’s Bar and Foodhouse sa Locsion street sa nabanggit na barangay. Samantala, isang miyembro ng Citizens Armed Forces and Geographical Unit ang pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Pablo, Del Gallego, Camarines Sur.

Napag-alamang natutulog sa loob ng kanyang bahay si Richard Dela Torre ng Delta Coy 22nd Infantry Battalion IB sa Brgy. Coma­day­caday nang pasukin at ratratin ng mga rebelde. – Ed Casulla


Show comments