Kulitan, patayan

BALAGTAS, Bulacan, Philippines – Isang 54-anyos na mister na si Camilo D. Guirina ang sinaksak at napatay ng kaibigan niyang si Antonio R. Dela Peña nang mag­kakulitan sila sa kanilang pag-iinuman kasama ng ilan pang lalaki sa Ba­rangay Santol ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nakakulong sa presinto ng pulisya si Dela Peña na hindi pa rin malaman kung bakit niya napatay ang kanyang ka­ibigan. (Boy Cruz)


Show comments