1 patay sa salpukan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang 23-anyos na binatang si Hugo Aquino ng Iriga City ang nasawi nang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isa pang motorsiklong minamaneho ni Wilson Bombita sa Fuentebella Highway, Barangay San Francisco, Ocampo, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Sugatan din sa insidente at isinugod sa ospital si Bombita at dalawa nitong kasamahan. (Ed Casulla)


Show comments