Parak itinumba sa inuman

MANILA, Philippines – Isang pulis ang binaril at napatay ng isa niyang ka­sosyo sa negosyo habang nag-iinuman sila sa bahay ng una sa Barangay Insik, Sison, Pangasinan kama­ka­lawa ng gabi.

Pinaniniwalaang alitan sa negosyo ang motibo ng suspek na si Alfonso Leo Delgado para paslangin ang biktimang si PO2 Jonathan Gomez ng Sison Municipal Police Station.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na nag-iinuman sina Gomez, Delgado at ilan pa nilang kakilala nang biglang inilabas ng suspek ang dala nitong baril at pinaputukan ang biktima. Na­kuha sa pi­nangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng baril. Pa­tuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito. (Joy Cantos)

Show comments