5 hinostage ng sinibak na konduktor

MANILA, Philippines - Limang kawani ng bus company ang iniulat na hinostage ng despera­dong sinibak na konduktor sa loob ng compound ng ka­nilang tanggapan sa bayan ng Jaro, Iloilo.

Kabilang sa mga ka­wani na binihag at pina­laya rin ay sina Ludivina Guerra, Eva Vera, Lina Celiz, Allen De­­ragua, at si May Reke­sin na pawang mga ka­wani ng Ceres Bus Company.

Nahaharap naman sa ka­song kriminal ang sus­pek na si Marlon Inanoria na na­aresto ng mga ope­ratiba ng pulisya.

Sa police report na na­ka­ rating sa Camp Crame, naganap ang hostage-dra­ma sa loob ng remittance center ng nasabing company sa Brgy. Bu­hang, da­kong alas-7:45 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, matinding depresyon ang nagtulak sa suspek na isa­gawa ang hostage-drama matapos masibak sa tra­baho.

Nakauniporme pa ang suspek nang pumasok sa opisina ng Ceres Bus Company kung saan na­kalusot sa gu­wardiya na hindi inins­peksyon ang dala nitong gamit.

Nang makapasok sa loob ang suspek na ar­mado ng baril ay ipinala­bas ang susi ng safety vault kay Guerra kung saan hinos­tage nito ang limang kawani.

Agad namang humingi ng tulong sa mga awtori­dad ang iba pang kawani at mabilis na nagresponde ang mga pulis kung saan mahigit isang oras na negosasyon ay napasuko rin ang kon­duktor.

 “Hindi makatwiran ang ginawang pagsibak sa akin ng kompanya kaya nagawa kong mang­hos­tage ng mga kawani,” pahayag ng sus­pek sa pulisya. (Joy Cantos)

Show comments